Kahit anong investment ba ito kasama ang HYIP

o traditional investment, paper assets,stocks? Ang gusto ko sana ang stocks at trading kaso di ko alam paano,may seminar pa ata sa tektite,sa PhilEquity? Mutual Funds ng PhilAm maganda din ata. Sa ngayon dito ako muna sa online trading,convenient at maganda pag-aralan.
Kahit anong investment sir basta eh hindi itatakbo ang pera natin. Haha!
Gusto ko rin sana ung stocks trading. Nakikita ko yan sa underpass ng makati may mga ads sila na free seminar on stock market/stock market trading. Metrobank ata ang sponsor. Hindi ko lang sure kung hanggang ngayon meron pa.
Meron akong friend na gumawa ng ganyan, pero naghhire sya ng stock broker. Ung broker company na yun nag offer din ng seminar on stock marketing. I forgot ung name ng company na yon.
Interested din ako sa Mutual Funds pero hindi ko alam kung papano nagwwork yan. Pero usually sa mga insurance diba Annual ang kita? Parang masyadong nakakainip haha!
Mas patok nga ngayon online, kasi kahit nasa bahay ka lang or sideline sideline kapag petiks sa office (katulad ko -- well as of this writing hindi ako petiks, mejo maraming report). Pero maganda kasi online, mas accessible. Baka meron kayong ma-ishare.
Counted ba ang FOREX sa Investment?