Solve na ako sa BPI Express Mobile pag nag-deposit... then sa eGiveCash ng Security Bank sa withdrawal... Medyo mabagal nga lang sila sa pag-post ng deposit. Wala pa atang matinong API (Application Program Interface) ang mga banks para real-time din ang processing ng deposits. Dapat siguro e dumaan na rin sila sa Dragonpay...problema lang, makikihati pa tong Dragon sa deposit... kaya okay na rin ang maghintay..

For me its BDO Online since naka profile na din sa akin ung coins.ph account so it's easy to transfer funds kahit ung mobile app pa ung gamit.
Ilang oras ba ang process kung sa BDO mo cacashout yung mga bitcoin galing sa coins ph? baka gumawa na rin ako ng atm ng bdo.. para hindi na ko nahihirapan mag cashout sa egivecash dahil mas maraming banko ang bdo ee.. madaling mahanap kay sa security bank kakaonti lang..
depende yan sa runner nila pero kadalasan by 12noon-1pm pumapasok na yung pera sa mga bank accounts tapos kapag hindi ka umabot sa 9am cut off time nila papasok yun mga hapon na