mangyayari lang na mataas ang sahod sa probinsya pag wala nang provincial rate na tinatawag, and mangyayari lang yun if ang mga mamumuhunan eh maglalagay ng negosyo na hindi na sa Metro Manila ang base and makakabawas din yun sa sobrang traffic...tingnan niyo ang Japan, alam nating ang capital niya eh Tokyo, pero pag tiningnan niyo ang mga larawan ng Japan, halos parepareho lang hitsura ng mga buildings sa cities nila ibig sabihin well distributed ang mga projects..
tama ka jan brad, noong nasa japan ako, naisip ko "bakit kaya hindi rin ganito sa pilipinas?"
maayus naman mga problema sa sahod kahit manila lng ang base, gobyerno ang me kayang gawin nyan, pero un nga lang kurakot kase,
example, mga nag papagawa ng kalsada na politiko hihingi ng pera"Tax-pera naten", mag sasabi sila ng presyo e.g1.5m, ang ma pupunta lng sa kalsada o sa proyekto nila 1m, 5m bulsa, eh diba pera natin yon, imbes na ung sukle para sa sahod ng tao, naibulsa na ng korapt
Minsan yang mga project na kalsada, sobrang corrupt yan..gagawa ng kalsada, aabutin ng taon tapos substandard pa gagamitin, pero ang nakalagay sa master plan, standard siya, pero pag may nagulungan lang ang truck na maliit na bato, nagkakabitak na, lalo pag maulan... Ang lakas kasi mag SOP ng mga contractor and nang may pasimuno ng project..
maiba ako, napanood ko sa TV nagpapalit palit lang ng pwesto si binay tsaka grace poe sa mga survey..ngayon si grace poe naman ang nasa top
dito samin matindi yung kurapsyon, kakagawa lang nung isang tulay dito malapit samin na inabot ng halos isang taon kahit sobrang iksi lang nung tulay dahil png tawid lang sa creek at sobrang traffic yung binigay na perwisyo nun, after isang buwan or wala pa ay binakbak ulit yung tulay dahil daw may mali so ayun na naman yung sobrang traffic na dulot saming mga commuter at dagdag kickback naman pra sa mga pulitiko