Hindi ka lumad dyan? parang magkaiba ata ng opnion si digoy at cayetano tungkol sa isyung yan.
kung pagbabatayan daw kasi ang history ay hindi raw talaga kasama sa pinas ang mindanao kasi hindi naman nasakop ng kastila yan, maraming provinces and di nasakop ng kastila gaya na lang ng kalinga-apayao kung saan may mga warriors/headhunters dyan sa banawe. maraming provinces sa mindanao ay di man lang napuntahan ng mga kastila. Nakasulat ang mga to at may sariling history book ang mga muslim universities dyan sa mindanao. kaya natatandan ko iba ang stand ni digoy sa isyung to.
Totoo naman na di sila nasakop ng Kastila at sa mga Muslim ang lugar. Dahil nakita ni Marcos noon na sa bandang huli pwede sila humiwalay,nagpadala si Marcos ng mga Ilonggo,Ilokaco etc na mga Kristiyano sa Mindanao para mag settle doon.Ngayon,gustuhin ng Mindanao na humiwalay,daming Krisyiano di na papayag.
Ngayon sa BBL sila nakakita ng Pag-asa pero dahil sa maraming provision na hinihingi at sa nangyari na rin sa Mamasapano,di natuloy.Pasalamat na rin tayo at di natuloy.
Ngayon,Federalism ang sinusulong na solusyon ni Duterte.Ako,pabor ako dito mabuti nga yan para mas malaki ang budget na ma retain sa isang Federal State o lugar di gaya ngayon na malaking porsiyento ang pumupunta sa national Government.Sa pagka intindi ko,hati-an lang naman sa pera/power ang pinaka isyu dito eh, na naiwanan ang Mindanao at marami ang naghihirap doon.Sa Federalismo,parang BBL rin pero buong bansa na hehe.Dito kanya kanya na diskarte na mapaunlad ang kani kanilang nasasakupan.Pwede sila gumawa ng rules o batas sa kanilang nasasakupan..?
Ang setback sa Federalism ay kung ang lider sa isang state ay abusado at di marunong mamuno,tiyak maghihirap ang nasasakupan.Dapat may provision pa rin na dapat mangialam ang national Gov kung may mali sa pamamalakad.