Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Pulitika
by
clickerz
on 26/03/2016, 07:18:07 UTC

Dito sa amin palakasan yung makukuha sa 4p's. Yung mga talagang nangangailangan hindi kinukuha nung mga kunwaring nagsusurvey pero yung mayayaman na nasa abroad lahat ng mga anak sila pa nakakasali. Tapos yung matatanda na hindi marunong isinasali nila tapos sila ang nagki claim. Pati patay na nireregister nila taz sila na rin nagkiclaim. Isa pang source ng pangungurakot ng mga nasa gobyerno yang 4p's na yan. Ayus sana kung hindi lang iisang grupo nagchecheck sa mga background nung mga sumasali.

Kaya nga, dapat sana may review nyan. Ang sabi sa panahon ni GMA ay dapat bago i-implement ni PNOY i review muna ang program na 4P's sa panahon ni GMA, wala eh tinuloy tuloy na. Ang pondo ng 4P's ay inutang nating mga Pilipino.Taxpayer ang nagbabayad..di ba