Di ako fan ng NBA pero halimaw si Kobe kahapon! Pinanood ko pa pati replay kasi sobrang nagalingan ako sa kanya!
Sinadya din yun ng coach na lakihan ang minutes niya. Ang plan ata ng coach na bigyan siya ng 36 minutes sa game. Since last game niya nman din yun, sa ngayong season kasi maliliit na minutes lang ang binigay sa kanya. Para din siguro iwas injury at matapos nya lang ang season.
Pa despedida na rin siguro sa kanya chief ng coach nila yun kasi last game na niya sayang pero sana kunin ng nba si kobe para maging coach para tuloy tuloy parn yung nba career niya katulad ng nangyari kay jason kidd hindi siya nagretire pero ginawa siyang coach
Hindi maiwan ang basketball kc parang pangalawang asawa n nila un, tulad ni kid, steve kerr, kht sa pba matapos nila magretiro nagiging coach cla kc nasa puso nila tlaga ang basketbol.
sana makita ko parin si kobe sa tv kahit hindi na siya naglalaro kahit nasa bench na lang siya at nagcocoach sa mga taga LA at sana mag champion naman na ulit Lakers ang tagal na nung last championship nila. Tanong ko lang meron pa bang nba team western at eastern ang hindi nag chchampion?