boss salamat sa mga pointers mo ok lang ba kung mag pm ako sayo? kasi parang ikaw lang makakasagot sa mga itatanong ko e hahaha
Pwede, pero post mo na lang o gawa new thread, para makita ng iba. Baka makasagot pa yung iba, kasi I am still going to get my CCNA, hindi pa ako nag exam. Meron mga nandito na CCNA na, o CCNP o CCIE na, syempre mas makakasagot sila.
Meron na new CCNA exams version 3.0, the version 2 exams will expire August and September 2016.
kung Cisco / Networking ang pag uusapan... GNS3
pag marunong kang paglaruan ito, hindi mo na kailangan pumunta sa anumang lugar/school/bootcamp na may laboratory.
Ok din yan. But not recommended daw for beginner level, eh, marami naman simulator and packet tracer. Ang alam ko, GNS3 para sa mga mag CCNP. Yung mga mag CCIE, kulang na daw yan (daw.)
And in any case, kailangan mo parin ng maraming RAM. For now, masaya na ako sa Packet Tracer at sa Simulator. Maybe later on kuha parin ako ng real hardware.
Mas maganda ang business wag tayo mag papatalo sa mga intsik.
Sa business malaki kita pero malaki din ang risk hehe
Own business or self-employed is always better if successful, but worse if failure dahil baka ma baon ka sa utang. Wages make you a living, profits make you a fortune.
Masaya at magaan ang buhay mag work sa abroad very hopeful ako until now na ituloy ang pag apply abroad. Well I guess siguro nga hindi ko pa tlaga time.
Your time will come. At least alam mo na. Madami ako alam, 10 years bago naka pag abroad. Proseso din kasi. So in the mean time, mag build up ng resume o kung ano requirements, mag ipon (kasi importante ang baon, lalo na kung mag migrate ka), and make yourself more valueable to the international job market.
Kasi, pupunta ka nga sa abroad, pero ang trabaho mo minimum wage lang din, entry level... wala din, dito ka na lang sa Pilipinas. Unless you use that as a stepping stone for better position and higher pay.
Gusto ko rin sana makakuha ng mga certifications, pero napaaga kasi pagaasawa ko kaya wala na budget for that.
Habang may buhay, mag pag asa. Maybe wait a bit, ako nga may asawa din at dalawa na anak ko. Baka madagdagan pa yan. Pero ngayon lang ako kumukuha ng certs ko. Delayed by 20 years.