Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Anong Trabaho mo ngayon? Related ba sa course niyo?
by
arielbit
on 04/06/2016, 02:40:48 UTC

kung Cisco / Networking ang pag uusapan... GNS3

pag marunong kang paglaruan ito, hindi mo na kailangan pumunta sa anumang lugar/school/bootcamp na may laboratory.
Ok din yan. But not recommended daw for beginner level, eh, marami naman simulator and packet tracer. Ang alam ko, GNS3 para sa mga mag CCNP. Yung mga mag CCIE, kulang na daw yan (daw.)

And in any case, kailangan mo parin ng maraming RAM. For now, masaya na ako sa Packet Tracer at sa Simulator. Maybe later on kuha parin ako ng real hardware.


syempre kulang na yan sa mga nag CCIE kasi yung latest na IOS ng cisco hindi na kayang iemulate nyan, pero majority ng kailangan nandyan na, lagi namang TCP/IP at OSI model yang networking...parang sa PC, kung marunong kang magtroubleshoot noong 1995 ngayong 2016 parehas lang ang concept, may mga bagong dagdag lang pero.. dagdag lang hindi totally overhaul ng mga principles..

sa mga beginner na tech savvy (technician level), yung ng mga experienced na or yung may mga talent talaga magbutingting at maglaro ng mga technology at protocols pwede na kayo mag simula sa GNS3..

pinatakbo ko na yang GNS3 noon sa Pentium D 3.0ghz 4gb ram noong 2008.. 2009 nakabwelo ako na paglaruan ko yan sa Q9550 at 8gb ram,...ang dami mo nang pwdeng magawa dyan sa GNS3 lalo na pag sinamahan mo nang VMWARE.. napaglaruan ko dito na sabaysabay na gumagana ang load balancing, QOS (using real traffic), VOIP (using callmanager express at softphones in VM windows 2000), packet capture at analysis gamit ang wireshark...yan ang ginamit ko sa thesis ko, nag design at nag simulate ako ng VOIP/IP telephony na nakadesign para sa school namin...

pwede rin yang ikabit sa real hardware btw.. makakatipid ka kung i susuplement mo ang GNS3 sa real hardware, most routing protocols nandyan na... sa switching naman yung NM-16ESW lang ang kayang iemulate ng GNS3, kaya pag dating sa real hardware iprioritize mo ang cisco switch (ikabit mo sa GNS3).

imagine what you can do with GNS3 sa mga modelong computer ngayon.

once na natutuhan mong gamitin yang GNS3 sir hindi ka na babalik sa packet tracer at mga simulator na yan...in GNS3 you are dealing with "real packets" and "real traffic".

huwag kang miniwala sa mga nagsasabing sa mga nag CCNP level na yang GNS3...ang GNS3 pinagaaralan din, konting tyaga lang...parang english, pag marunong ka nang mag english maski sinong amerikano pwede mo nang kausapin...ang tanong kailan ka pa magaaral ng english?pag nasa pilipinas ka pa o pag nasa amerika ka na?....study GNS3 before CCNA or before CCNP? advise ko sa mga beginners dyan before CCNA... siguradong mas smooth na ang direksyon mo papuntang CCNP pag marunong ka na ng GNS3.

GNS3 is bad for business...sa mga school na may cisco subjects (optional) in preparation sa mga students nila na mag eexam for CCNA, sa mga bootcamp for CCNA, they boast their laboratories and equipment... just study the concepts, principles, protocols, TCP/IP, OSI model ...

i forgot where i read this statement -> "Cisco is a software company", masterin ang IOS (internet operating system) ng Cisco... ang real hardware madaling pagaralan isang araw lang alam mo na kung alin ang isasaksak, saan isasaksak at kung alin ang pipindutin..