Finally! May thread na sila dito. Alam ko yung iba dito matagal na gustong makita tong official thread ng Coins.ph at heto na nga!
Simple question. May age limit ba ang pag gamit ng coins.ph? Yung pinsan ko kasi gusto nya din sana pero hindi pa sya 18.
Yes, meron po. Hindi po pwede magregister sa Coins.ph kung below 18. Pasensya na po.
Ah that's very unfortunate para sa pinsan ko haha. Anyways, pwede naman siguro mag earn nalang muna sya ng bitcoins at hold na lang nya muna until next year.
Assuming he turned 18 today, as in literal na ngayong araw, pwede na ba sya magregister by that time? Just so I can give him a heads up.