Marami dito sa atin na mga Pilipino ang palaging may pangarap ng kaginhawaan at katuparan ng ating mga pangarap. Dahil magtatapos na ang taong 2016 at pumapasok na ang bagong taong 2017, sigurado ako tayong lahat ay nagnanais na ang taong 2017 ay maging ating taon.
Ano ang isang malaking bagay na gusto mong mangyari sa buhay mo sa darating na taong 2017? Ito man ay pinansyal, kalusugan, kaligayahan, kabuhayaan o kung ano man.
Ako gusto kong kumita na ang mga "investments" ko sa taong 2017 para ako ay magsimula na sa pangarap kong magbiyahe sa mga parte ng Pilipinas (habang nagtratrabaho pa rin online).
Gusto ko mas laging mabusog ang wallet ko, laging may blessings, at dumami mga sideline ko at mapuno lagi ang wallet ko. Sana mas tumaas ang bitcoin pag nagkaroon nako ng isang bitcoin. Haha Pero ngayon wag muna wala pakong isang bitcoin. Sana wag mawala ang bitcointalk dahil madaming natutulungan itong site na ito. Mas nalalayo ako sa bisyo, mas nagiging profitable akong tambay dito.