Kung may isang milyong piso ka, anong business o pag kakakitaan sa real world ang gagawin mo?
Kailangan ko lang ideya. Baka sa inyo ako mainspire.

Para sa akin, mag simula ka ng isang micro lending business. Mag papa utang ka sa mga sari-sari store owners, owner ng karinderya at kahit yong mga mag pepersonal na mangungutang sa'yo. Para tong 5/6 scheme pero mas mababa lang ang interest rate mo.
Di it "parang", yang advice mo is talagang 5/6. Masama yan, for sure malulugi lang mga taong uutang. Saka mahirap kaya maningil ng utang. Unless para kang mafia style. May mga goons ka na pupunta pag di nagbayad. O kaya naman ay may collateral na ibibigay mga uutang sayo. Kaso for sure kaya nga sila uutang kasi wala silang collateral na mabibigay.
mahirap ang mag pautang lalo na sa tao ka magpapautang kasi sila na yung sisingilin mo sila pa galit , tsaka masama din ang mag 5/6 kasi masyadong malaki ang tubo nila dyan . nangutang nga kasi sila kasi kailngan nila ng pera tpos gigipitin pa ng masyadong malaking interest bumbay na lng ata nag papa 5/6 ngayon .
Shempre, masama lagi loob nila. Ewan ko ba. Ganyan din naexperience ko nung nag pautang ako sa kaklase ko. Galit pa eh sila na nga nakahiram ng pera. Gusto pa nila extended ang bayaran, mga 20 gives. LOL. Ayaw ko rin nga ng 5/6, kawawa din ang nangungutang, di na nila mababayaran yun for sure. Saka parang ginigipit mo pa sila lalo, kasi kailangan na nga nila ng pera, tatagain mo pa sa interest.
balita nga kanina e pinagbawal na ni duterte ang mga nag papa 5/6 pwede na daw arreswtuhin yun ng walang warrant , biruin mo 20% kahit bangko di mag ooffer ng ganon interest pero ang mga bumbay na nagpauso non dto satin grabe magpatubo