edi ok pala yung wala pang 50 words na post basta isa lang sa isang oras ? may nakita akong ganyn e ang tagal na sa bitmixer pero di matanggal tanggal e kung makikita mo post nya wala pang 50 words wala pa ngang kalahating line e pero ang tagal na sa bitmixer pero yung iba kahit quality na linggo lang tinatagal , bakit ganon ?
Hindi okay brad mahirap pumasa kay lauda kahit constructive post ka naman depende rin talaga sa kanya kung gusto niya post mo minsan kasi kapag inuulit mo yung sagot sa isang tanong automatic ban ka na. Bihira lang nakakapasa sa standards ni lauda may kababayan tayo sa campaign niya si bl4nkcode matagal tagal na rin kay lauda at talagang magaganda ang post quality
Hindi lang naman kasi quality posts ang basihan ni Lauda, tinitingnan din niya kung yung account na gamot ay isang farm account. Nakikita ko rin sinabi niya nung nagbasa basa ako. Hirap nga makapasa noon at okay sana kung hindi ka isali sa SMAS Blacklist, ang mahirap pag nasali ka na doon ay mahihirapan kang maghanap ng magandang campaign.
nako basura yan si Lauda, kung alam nyo lang ugali nyan. dami nakikick sa bitmixer campaign pero meron ako isang kilala na ilan months na sa bitmixer campaign pero hindi na kikick kahit yung mga post nya puro 10-15 words lang. walang kwentang tao yan, masyado namimili. hindi mag judge ng patas kung talagang dpat ikick sa campaign
Boss dapat malaman natin kung ano ba talaga ang quality post. Ang quality post ay hindi nakikita sa haba o iksi ng sinasagot ng natin. Ito ay naayon kung ikaw ay
1. On topic
2. nakakadagdag sa quality ng talakayan ng thread
3. constructive
4. Ang simpleng sagot na oo at hindi ay pwedeng tanggapin depende sa argumento ng qouted post mo or sa topic.
5. Hindi mo kailangang pahabain ang sagot mo para magmukhang constructive or quality post, nagsulat nga tyo ng isang novela pero non-sense at off topic naman ang pinagsasabi natin, lalabas na low quality post to spam un.
6. Ang pagsagot kahit nasagot na ng ilang libong beses ang tanong ay dumadagdag sa spam kahit 4 to 5 liners pa ang sagot mo.
7. Nakadagdag din ang sentence construction, grammar, at spelling sa quality ng post.
Ilan lang po yan sa hinahanap for quality posting. Dami kasing signature participant kahit wala ng reason to post, magpopost pa rin kahit iyong tinatanong ng OP ay nasagot na ng unang nagreply sa kanya. Isa pa may guideline naman si Lauda for quality posting, kung susundin lang natin iyon kahit sino siguro sa atin pwedeng sumali at magstay ng matagal sa bitmixer ng hindi sinisipa or nabablacklist ni Lauda