ang alam ko ang karamihan ng nagiging campaign manager ay sila yung gumawa ng layout or design ng isang signature campaign. Pero worth it naman kung maging campaign manager ka kasi kahit medyo matrabaho yun ay sigurado namang malaki din ang bayad sayo
Tama boss lalo na yung mga campaign na medyo tight ang budget, or yung gumawa ng signature material is irequest na package na iyong signature campaign sa pagiging signature manager. Pero kadalasan sa mga campaign owner ay gusto talaga may varieties at pagpipilian na signature design, nagpapagawa talaga sila or nagpapacontest then hiwalay yung signature campaign manager.
Maganda rin itong thread na ito at least may mga hints tyo sa mga magiging manager once na sumali tyo sa signature campaign.
Para sa akin the best iyong campaign manager na down to earth pa rin. Hindi katulad ng iba na naging campaign manager lang eh akala na natin kung sino. Isa pa, kadalasan naman sa nagagalit sa camp manager is either yung natatanggal or yung narereject. Sabi nga walang personalan trabaho lang, check the rule, follow it para walang problema. Hindi pwedeng masunod ang participant kesa sa campaign manager.
Baka siguro makulit lang ang participant, minsan kasi gusto ng participant na siya masunod katulad nung nabasa ko na nagreklamo na di raw siya binayaran, nag accuse pa ng scam, eh ginawa nya 20 post sa isang araw para mameet ang qouta, kung ako ang manager dun di ko talaga siya babayaran at sisipain ko pa sa campaign ko. Malinaw kasi dun sa rule ng campaign na kapag maraming post sa araw na malapit na magcutoff ay hindi bibilangin.
Participant talagang dapat sumunod sa rule hindi pwedeng managert ang sumunod sa participant.