Tanong ko lang kung paano ba kumita sa Youtube?, meron akong channel kagagawa ko lang last week gusto ko sana kumita sa anong paraan po ba? Paano ba maglagay ng ads sa channel mo? Paano mo ba ito marereceive yun payment? Ano ba ang ibig sabihin ng monetize?
activate mo yung monetization para magkaroon ng ads ang isang youtube video, try mo mag upload ng mga video na trending para madami mag search kung sakali, iwasan mo din yung mga copyright videos na i-reupload sa channel mo dahil baka ma ban yung account mo for copyright issues.
Tama activate mo lang monetization features at register ka na rin sa google adsense diyan kasi halos nanggagaling yung mga ads pero pwede karin mag pa sponsor sa mga kilalang site yung kakilala ko nag pa sponsor lang siya at yung sponsor pa mismo ang nag offer sa kaniya.