Eto pa pala. Yung sa whyfuture na sig campaign, nag accept sila ng newbs. Ngayon, nagaapply pa lang sila for the campaign, tas sinuot na nila yung sig. Ganon ba yun? Alam ko e hihintayin muna confirmation ng campaign manager na kasama ka sa campaign bago ka maglagay ng sig.
Mas maganda isuot muna yung Signature nila para pag okay ka sa kanila ilalagay ka na kaagad sa mga inaccept na list. Alam mo kasi kung ako ang campaign manager at hindi ko nakitang suot mo tapos sumasali ka hassle pang sasabihin sayo na isuot muna yung signature. Marami silang ginagawa so kung hindi ka nila makitang nakasuot may chance na hindi ka tanggapin.
Ganun ba yun? Inisip ko baka kasi sabihing hindi pa naman ako accepted pero nagsuot nako. Kaya nagtataka ako sa ibang newbs na applicant. Salamat! Isusuot ko na sig nila, just in case
Haha pag Hindi ka accepted nila pwede mo naman I remove yan. Pero ang ginagawa talaga ng iba sinusuot agad pagka magapply para mabilis matanggap . Baka ung di mo pag suot ng signature code yun pa maging Dahilan para madenied ka.
Mas maganda kung iso-suot mo agad . Ganyan din ako dati nung baguhan pa lang ako dito . Napansin ko lang na halos lahat ng nag-app sinuot agad nila kaya ginaya ko na din . Isa pa sa bawat campaign hindi lahat pare-pareho ng manager . Yung iba requirement talaga na isuot agad kaya iintindihin kung hindi mo suot . Napansin ko nag-iba na din si Yahoo, Kung hindi mo iso-suot yung signature, Magsend ka ng application mo through PM .
tama kasi sa pagsuot mo nung campaign code napapakita mo ung talagang interest mo sa pagsali at madalas kasi ung mga campaign manager gusto nila makita na suot na nung applikante ung coed pero case to case basis naman lalo if meron ka pang suot na ibang camapign at maganda naman ung post quality mo, coconsider nman nila un kung may open na slot.
Yup tama yun. Kapag suot mo kasi yung signature code nila. Mas malaki ang chance na matanggap ka dahil ibig sabihin lang nito ay talagang interesado ka sa campaign nila. Isa rin itong pagpapakita na hindi ka lang lumilipat-lipat ng campaign dahil mas maganda dito at mas malaki ang bayad for example. And, kung may ibang Signature ka na suot ay parang ginagawa mo lang na options ang signature nila parang ganun.
Parang panliligaw lang yan. Kapag nanligaw ka sa babae at alam niya na hindi ka na connected sa Ex mo. Mas high ang chance na sagutin ka nya. Pero kung nakikita pa nya na may involvement ka pa sa ex mo. Mag aalangan pa sya na sagutin ka. Fearing na maaari kang umayaw kung mas better pa rin yung dati kesa ngayon.