Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Trabaho sa UAE mostly Dubai area.
by
creepyjas
on 17/03/2017, 08:02:33 UTC
Haha minsan naa-unfairan ako. Di naman kasi porket babae di na kaya ginagawa ng mga lalaki. Sabi nga rin ng kaibigan ko, makakapasok ako sa Dubai as secretary hindi as IT.

Sayang naman tinapos ko, BSCS Major in Network Admin. Sarap din sana mangibang bansa. Iba naman kasi estilo nila rito satin. Gamit na gamit ka pero yung bayad sayo kakapiranggot. Ang layo sa sahod ng talagang IT (may pinanghuhugutan hahaha)
Marami kasing source of income ang ibang bansa lalo sa middle east kaya malaki rin sila magpasweldo hindi tulad dito sa pinas. Bscs ka pala yung ate ko ganun din pero sa deped nagtatrabaho okay ang sahod nag masteral kasi siya.

Gusto ko rin mag masteral kaso ako na magpapaaral sa sarili ko at mahirap lalo may dalawang bata hahahaha ayos yan ah deped at least. Sakin nagpapakahirap maghagilap ng matinong employer na di titipirin ang sahod. Kaso syempre halos lahat e call center yung ganon.