Magtatayo ako ng computer shop gamit yung 500k at yung kikitain ay pang dagdag pa ng computer, malakas ang computer shop dito sa lugar namin bihira may makita na bakante.
Kung ako ay may isang milyon magpapatayo muna ako ng isang business upang mayroon akong pagkakitaan tulad ng computer shop dahil sa panahon ngayon maraming tao mahilig maglaro at gumamit ng computer. Mas maganda talaga na magpatayo ka muna ng isang business bago mo bilhin ang mga gusto mong mga bagay, nabili mo nga ang lahat ng gusto mo kaso wala ka ng pantustos sa mga pangangailangan mo sa bahay. Kaya mas maganda magtayo ka muna ng isang maliit o malaking business.
Tama malakas talaga ang computer shop ngayon lalo na yung mga lugar na marami ang tao gaya ng mga malalapit sa mga malalaking business at malapit sa eskwelahan doon panigurado mababawi mo kaagad ang pinuhunan mo at mabilis kang kikita doon. Tama dapat talaga na unahin yung pagbubusiness hindi yung mga gusto mong bilhin lang. Mahirap kasi kung lahat ng pera mo ay ginagastos mo lang kung saan San maganda yung may pinaglalaanan ka at may pagkukuhanan ka.