Hmm, hindi ko pa nasubukan yan pero matagal na yang tech na yan, medyo hindi lang sikat. Hindi ko alam kung ano ba ang rason kung bakit hindi pa siya widespread pero palagay ko may problema pa sa energy consumption. Yang design na may kasamang fish pond alam ko may problem din yan dun sa mga nalilikhang waste kasi hindi naman lahat eh maganda para sa halaman.
Pero promising yan, kapag naayos na nila yan at nakahanap na sila ng energy efficient lighting na kagaya ng sunlight, pwede nang gumawa ng mga food towers. At least hindi mababagyo o mababaha yun sa loob, controlled ang temperature kaya di maluluntoy at mas maraming matatanim sa maliit na floor space. Kung green energy din yung gamit para i-run yung facility, then mabuti.