Karamihan sa mga teenagers ay namomoblema sa pagkakaroon ng tigyawat o pimples sa mukha. Ang pinoproblema ko naman ngayon ay ang naiwang bakas o peklat sa mukha ko . May mga butas na maliliit at maraming whiteheads. Marami na akong product na sinubukan para matanggal ang butas at mga whitehead pero hanggang ngayon hindi pa rin natatanggal. Pwede na kaya magpadiamond feel ang 17 years old kagaya ko at matatanggal kaya ang mga butas na maliliit sa mukha ko kasi hindi naman masyado malaki tiyawat ko dati. at magkano kaya ang kada session iyon. May nakaranas na ba sa inyo magpa diamond feel ano ang result?
Anong mga products ang mga natry mo para di na mabanggit pa kung sakali.
Isa lang pinagkakatiwalaan ko sa ganyan, Dr. Kauffman Soap. Iyon nga lang, ginamit ko iyan habang may tigwayat pa at walang iniwang bakas. Pero since wala na sa iyo at direct apply sa naiwang bakas ang mangyayari, try mo na rin yang sabon although Im not giving you an assurance. Mura lang naman less than 100. Saka kasi ang mga product depende sa balat ng tao eh. Kahit nga simpleng Safeguard kaya pawalain yan and tested ko na rin.
Last option mo na lang iyang Diamond Peel para di ka mapagastos. May isa pang ok na sabon although di ko pa nagamit. Bale ginamit na siya ng mga kaibigan ko usually mga babae. Iyong Nworld Product (Im not promoting it, sinuggest ko lang). Around Php250 yata ang isa. Hanap ka na lang retailer nyan sa inyo.