Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Diamond feel?
by
Mometaskers
on 23/04/2017, 21:31:48 UTC
Karamihan sa mga teenagers ay namomoblema sa pagkakaroon ng tigyawat o pimples sa mukha. Ang pinoproblema ko naman ngayon ay ang naiwang bakas o peklat sa mukha ko . May mga butas na maliliit at maraming whiteheads. Marami na akong product na sinubukan para matanggal ang butas at mga whitehead pero hanggang ngayon hindi  pa rin natatanggal. Pwede na kaya magpadiamond feel ang 17 years old kagaya ko at matatanggal kaya ang mga butas na maliliit sa mukha ko kasi hindi naman masyado malaki tiyawat ko dati. at magkano kaya ang kada session iyon. May nakaranas na ba sa inyo magpa diamond feel ano ang result?

sobrang bata mo pa para magpadiamond feel, kasi ang dami pang pwedeng mangyari sa mukha mo kahit ganyan na yan, kasi sa edad mo magbabago pa ang itsura mo, ganyan rin kasi ako dati sobrang dami taghiyawat pero nawala rin nung umedad ako, wag ka rin muna gumamit ng kung anong kemikal para kuminis agad mukha mo. facila wash sa gabi ayos na yun
Yan din po sinasabi nang mga family ko huwag daw po ako masyadong maarte sa katawan. Tanungin ko muna si mama kung pwede na ako magpaganun pero kung ayaw niya pa at o bawal pa okay pa rin. Hintayin ko lang yung right age ko kung kelan ako pwede magpaganda nang balat. If may maliliit bang butas parang open force kasi yung akin mawawala ba yun kapag humilat mukha ko? sabi kasi nila hihilat daw mukha ko pagdating ko ng mga 20 years old totoo kaya yun? doon na daw kasi natatapos yung pagbabago sa katawan ko.

Depende pa rin yan sa bawat individual but yeah, sundin mo na lang din siguro yung payo nila, palagpas ka muna ng puberty. Saka mo na lang isipin yan acne scars, minsan kasi yung iba dyan liliit na lang din naman, yun na lang yung kailangan ayusin.

Ang pakaingatan mo eh yung pimples na susulpot pa ngayon. Hangga't maaari ang gusto mo eh matuyo lang sila ng dahan-dahan para huwag magpeklat. Ang mahirap kasi dun minsan kahit ingatan eh napa-pop pa rin. May mga over-the-counter meds gaya ng Panoxyl pampatuyo ng pimples pero ingatan na lang din. Huwag din OA sa pagkalinis kasi naman maglalangis naman siya lalo kapag na-dry.