Para po sa akin, mahirap palitan ang fiat na currency na kasulukuyang ginagamit natin sa ngayon. Pero malakas ang paniniwala kong malaki ang magagawa ng Bitcoin sa future ng ating bansa, yun nga lang kailangan pag-aralan upang magamit ng wasto. Halata naman kasi ng kadalasan sa mga tao mas pipiliin ang pinakamadaling way para mabayaran o makabili ng mga goods mapa online man o sa mga piling merchants, at ang purpose ng BTC is to pay without hassle.
Ano sa tingin mo ang magagawa ng bitcoin sa ating bansa? Para sa aking ang bitcoin ay tulad lang din ng ibang currency na kapag may naginvest dito sa bansa ay saka lamang siya makakatulong. Ngayon, isang lohikal na tanong lang, bakit ako gagamit ng bitcoin kung pwede naman akong gumawa ng sariling coin ng aking bansa? Meaning, sa halip na gamitin ang currency na hawak ng ibang tao, mas mabuting magcreate ng sariling cryptocurrency ang Pinas. At least hindi mamamanipula ng dayuhan ang ating ekonomiya.