May tanong ako tungkol sa pagbuo ng bitcoin balance ko nagpatong patong kasi yung mga maliliit na bitcoin na natanggap ko. Tingin nyo ba worth it na gumamit ng malaking fees para lang mawala yung small inputs sa wallet ko? Halos 0.005 or more ata yung gustong gamiting fees ni blockchain.
Kung hindi ako nagkakamali abot na siya hanggang 0.0006 at kung kay xapo ka naman minimum naman ay 0.001. Nasa sayo ang desisyon kasi bitcoin mo yan eh.
Oo yan ang recommended kapag standard 200-250 byte lang yung transaction mo pero yung sakin kasi baka umabot ng ilang kb kaya ang laki ng gustong irecommend ng blockchain. Halimbawa may .15 bitcoin ako sa wallet ko .143 na lang yung pwede kong gamitin after fees kapag isesend ko lahat. Pero kung ikaw nasa lugar ko gagawin mong buo or hindi ?
Hindi ako magaling sa math pero kung kailangan ko na yung bitcoin i-tatake ko nalang yung fee kahit ganun kalaki. Case to case basis naman yan, pero kung ikaw nasa ganung kalagayan ikaw na ang bahala dun. Pero kung saan sa tingin mo mas makakatipid ka kasi lalo na mas lumalaki presyo ng bitcoin ngayon, kada sentimo(sats) malaking bagay.