Post
Topic
Board Pilipinas
Re: resorts world manila gunfire
by
CARrency
on 02/06/2017, 11:14:38 UTC
Tungkol ito sa kasalukuyang balita na meron naganap na gunfire sa resorts world manila. Sa tingin nyo ba ang guard ang may kasalanan nito? diba trabaho nila na i-inspect yung mga taong pumapasok dito. Alam kong paminsan ang mga guard hindi talaga nagiinspect at kung sino sino nlng pinapapasok... kung hindi man ito sa tingin ninyo ang dahilan? ano?
Tingin ko naman may kasalanan din kahit konti yung guards sa resorts world manila para dun sa nangyari dahil nagkulang sila sa inspeksyon na syang daan para mapigilan agad ang mga gantong pangyayari. Tingin ko naman di ka nagkakamali OP, na ang kakulangan sa inspeksyon ang dahilan kung bakit may kasalanan dito ang guard.

Kasalanan nila yun, unang una, bakit makakapasok ang isang malaking lalaki na may dalang baril, kung hindi maganda ang seguridad dun? Pangalawa, nagagalit ang mga tao kase wla man lang magandang warning ang mga empleyado ng building, kaya hindi alam ng mga tao kung san pupunta at gagawin. Pangatlo, iisa yung armadong tao, di nila nagawan ng paraan na icorner yung suspect. Nakakadissapoint na one of the popular places dito sa Pilipinas di man lang secured. Nakakahiya, anu na lang sasabihin at iisipin ng mga foreigners na nagbabalak pumunta dito sa bansa naten di ba? Ang gulo na ng Pilipinas.