Para po sa akin may koneksyon po ito sa terorismo. Oo nga po't sinabi na ng ating kapulisan na walang kinalaman ito sa naganap sa Resorts World, pero kung atin po kasing susuriin maigi, parang mahirap pong isipin na wala itong kinalaman dun.
Una. May giyera po at martial law sa Marawi. Posibleng isa lang po ito sa diversionary tactics ng mga terorista upang i-divert ang opensiba ng ating militar sa nasabing lugar at malipat ito dito sa Manila. Alam na po natin na 82% na ang lugar ang nakubkob ng ating kasundaluhan sa Marawi kaya posibleng ginawa po nila ito upang muling makapagpalakas ng pwersa habang abala ang pamahalan sa pagresolba sa naturang kaganap.
Ikawala. Ang M4 cabine o yung variant ng M16A2 assault rifle ay isa po yan sa kilalang ginagamit na sandata ng bataan ni Abu Bakr al-Baghdadi na leader ng ISIL.
Ikatlo. Kung simpleng pagnanakaw lamang po ang pakay nung gunman ay bakit chips pa ang kukunin po niya? Ang chips o casino tokens po ay kailangan pa po yan i-encash para magamit. Given na yung example ni Jay-Ar Quilaton na nahuling nagnakaw ng chips ng Resorts World Manila. Nagnakaw po siya ng tokens na nagkakahalaga ng P1 million pero hindi niya magagamit yun dahil sa kailangan pa nyang ipalit ito sa pera para masabing may value ito. Isa pa, bakit nya po susunugin ang kanyang sarili kung ang purpose niya ay magnakaw?
Ikaapat. Inangkin na po ng ISIS ang naturang pag-atake sa Resorts World.
Sa kabuuan, ang tanging nakikita ko pong rason kung bakit itinatanggi ito ng PNP, na isang terror attack, ay dahil sa masasabon muli po sila sa kanilang failed intelligence katulad ng nangyari sa Marawi.
Isa ako sa sang ayon sa iyo sir. Dahil sinabi din nang mga tao na nanggaling sa resorts world na may iba silang nakita na tao halimbawa yung sa matandang babae, sabi niya papunta sila sa exit nang kusina sa resort world para makalayo sa pag wawala nang lalaki tapos may narinig naman daw silang putok nang baril nung palabas sila kaya kanya kanyang tago sila. So hindi lang talaga isa yung pumasok at nagwala dun .