Foreign Telco Company, Bakit Di Makapasok sa Pilipinas? Sinabi kasi nun ni Presidente, papapasukin na sa pilinas ang ibang telco internet provider, bakit hanggang ngayun wala pa rin?
Sabi nung pinsan ko nagtayo na daw ng building ang telstra di lang ako sure kung saan nya nakita yun. Pabor satin kung mangyayari yun kasi magpapalakasan ng coverage lahat ng local telcos para makapagcompete lalo na sa foreign. Pero di po agad agad nakakapasok yan alam mo naman dito sa atin sir pero alam ko makakapasok talaga yan ng di natin namamalayan kasi sinabi na ni tatay Digong yan may isang salita kasi yan. Ang iniisip ni tatay digong yung kabutihan ng lahat at hindi para sa sariling interest kaya pinag aralan nya yan kung paano at kelan papapasukin ang foreign investors lalo na telcos.
sana nga po, sobrang nakakabwisit kasi ang pldt, smart at globe na yan, bulok ang service nila. no choice lang talaga kaya napipilitan ang mga subscriber na tulad natin na iavail ang service nila dahil kailangan din talaga natin, lalo na sa work at business operation at communication na rin. biruin mo ilang dekada na, silang 2 telco company lang talaga ang naghari sa pilipinas, wala ng iba. kaya ganun na lang ang lakas ng loob nila kahit anung reklamo at feedback mo tungkol sa service nila, balewala lang sa kanila.