Post
Topic
Board Pilipinas
Re: resorts world manila gunfire
by
Zeke_23
on 05/06/2017, 02:46:13 UTC
Tungkol ito sa kasalukuyang balita na meron naganap na gunfire sa resorts world manila. Sa tingin nyo ba ang guard ang may kasalanan nito? diba trabaho nila na i-inspect yung mga taong pumapasok dito. Alam kong paminsan ang mga guard hindi talaga nagiinspect at kung sino sino nlng pinapapasok... kung hindi man ito sa tingin ninyo ang dahilan? ano?

Lahat ng nakakapasok sa loob ng lugar na iyon ay responsabilidad ng mga guwardiya.  Kaya naniniwala akong merong lapses sa security nila.  Marapat lang na pagmultahin ang sinumang incharge sa pagcheck ng mga papasok na parokyano sa loob ng casino dahil sila talaga ang may kakulangan kung bakit nangyari ang trahedyang ito.

Umpisa palang responsibility talaga ng mga guards ang nangyare, kaya nga sila nagtatrabaho dun para masigurado ang safety ng mga guest nila, kung may nakalusot na ganun kagaya sa nangyare sa resorts world, eh makikita natin na sobrang luwag talaga ng seguridad nila or kaya naman may inside job talagang nangyare, kasi kahit saan mo tignan pano mapapasok ung mga gamit niya e ang lalaki nun tapos hindi man lang naalerto yung mga security.