Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Mobile load using coin.ph
by
rickyrombo25
on 11/06/2017, 02:15:07 UTC
Hi, magtatanong na naman po uli tungkol sa negosyo. Meron po ba dito na nag-loading business na gamit yung coins.ph? Kamusta naman siya?

Kasi hindi ba regular load lang siya, hindi ba isyu yun? May sinubukan akong loadan dati na paexpire na yung backup SIM, nag expire pa rin kahit naloadan ko na. Wala namang sagot si coins.ph nung tinatanong.

Paano pala ang presyohan nyo, magkano pinapatong nyo? Kasi diba, 5% lang yung rebate, masyado naman mababa. Per transaction ba patong nyo? Yung pinapaloadan ko kasi ng phone ko dati, 2 yung patong sa 20 pesos na pa-load. Kasi ang iniisip ko naman, kung sobrang baba nung tubo, sayang lang na ipaconvert ko yung ibang coins ko na pampuhunan.

And paano paiikutin yung pera? Kasi diba yung rebate dederetso sa PHP wallet, so paano ko ibabalik yung puhunan dun sa wallet? Medyo malaki kasi fee pag-cash-in. Wala namang malapit na 7-11 sa amin para 1 lang yung dagdag kapag nag-cash in. At yung "perk" na yun eh limited lang sa transactions 100 pesos and below. Ayoko naman maya-maya pa-convert ng btc para panibagong puhunan, sayang kasi pwede pa tumaas yung exchange rate.


Payo ko lang kung pang negosyo na pang load ibang method na lang gamitin mo like loadcentral kase lahat nang load andon  na mapa games man o cable. Ayos naman yung rebate dito sa coins.ph na 5% pero ang sabi mo problema walang malapit na 7-11 sa inyo, kaya parang wala ka ring masyadong rebate kung ganon sa cash-in fee napupunta. By the way may promo ang gcash ngayon 12% rebate, from June 9-12 yata. Thanks me later.