Hi, magtatanong na naman po uli tungkol sa negosyo. Meron po ba dito na nag-loading business na gamit yung coins.ph? Kamusta naman siya?
Kasi hindi ba regular load lang siya, hindi ba isyu yun? May sinubukan akong loadan dati na paexpire na yung backup SIM, nag expire pa rin kahit naloadan ko na. Wala namang sagot si coins.ph nung tinatanong.
Paano pala ang presyohan nyo, magkano pinapatong nyo? Kasi diba, 5% lang yung rebate, masyado naman mababa. Per transaction ba patong nyo? Yung pinapaloadan ko kasi ng phone ko dati, 2 yung patong sa 20 pesos na pa-load. Kasi ang iniisip ko naman, kung sobrang baba nung tubo, sayang lang na ipaconvert ko yung ibang coins ko na pampuhunan.
And paano paiikutin yung pera? Kasi diba yung rebate dederetso sa PHP wallet, so paano ko ibabalik yung puhunan dun sa wallet? Medyo malaki kasi fee pag-cash-in. Wala namang malapit na 7-11 sa amin para 1 lang yung dagdag kapag nag-cash in. At yung "perk" na yun eh limited lang sa transactions 100 pesos and below. Ayoko naman maya-maya pa-convert ng btc para panibagong puhunan, sayang kasi pwede pa tumaas yung exchange rate.
Actually maganda talagang magbusiness sa loading services nila. Iyong 5% rebate ka hahabol ng kita kaso dapat malakihan ding ang pagloload para mas maganda ang outcome kung magbabalak kang magnegosyo gamit ang coins. Sa akin kasi for personal use lang pagloload sa kanila para lang mamaintain kong may internet ang cellphone ko as a mobile data.
tama ka jan, maganda magloading business gamit ang coins.ph, kase bukod sa 5% ang rebate niya hindi pa hassle sa pagloload tyka pag cash in, hindi ung pupunta kapa sa palengke para magpaload sa account mo, kasi pwede naman sa 7-11 o kaya naman sa cebuana. madali din ang kita kasi bukod sa dagdag na dos kapag may nagpapaload hinahanap talaga ng tao ang load, isa yan sa mga kailangan e, lalo na kapag may tindahan ka, laging may nagpapaload