Tanong ko lang po sana, ilang beses narin po kasi ako nasali sa Twitter campaigns at nababayaran naman din po ako. Pero mayroon pong campaign na na disqualified ako, ang rason daw po ay dahil sa ipinost ko sa iisang araw lang yung tweet. Pero sa pagkakaalam ko po kasi mayroon tayong time difference sa US. Halos 12 hrs ahead po tayo sa kanila kaya, halimbawa, kung nag-tweet po ang ng 11 PM sa 12 June ay 11 AM sa 12 June na po sa kanila nun. Ngayon since yung time interval po nung nakasaad sa rules ay 1 hr, nag-tweet po muli po ako ngayon. Sa 12 AM na bale ng June 13, pero sa kanila 12 PM palang ng June 12. Ibig sabihin po ba nito, since 12 June palang sa kanila, ay ginawa ko yung tweet sa iisang araw lang din? O sabihin po natin, nag-doble po ako ng tweet sa isang araw base sa kanilang oras? Ang sinunod ko po kasi ay yung PHT kaya hindi ko po sure kung sumasabay ako sa kanila o hindi. Sa pagkakaalam ko po sa Twitter naka-set automatically din po yung time nila sa US kaya hindi ko po alam kung paano yung pag-set ng time po dun sa campaign.
Mayroon na po bang nakaranas ng ganitong problema sa inyo sa Twitter campaign na sinalihan nyo?
Salamat po sa mga sasagot!
Basta ang importante ginagawa mo yung mga pinapagawa nila at hanggat nagagawa mo yun di mo kailangan mag alala kung di ka man agad nabayaran dahilan nun ay iba pa ang oras sa kanila kung sakali man nagupdate na yung sa iba try mo nalang din ipm yung manager.