bakit pa nag i-explore ang NASA at gumastos Ng bilyon-bilyong dolyar para maghanap ng buhay sa ibang planeta kung ginagamit nalang nila ito para ayusin ang Earth siguro mas maganda pa diba? Tandaan natin hindi tayo kailangan ng Earth para ito ay mabuhay, pero tayong mga tao ay kailangan natin ang Earth para mabuhay.
Nag-iexplore ang NASA at gumastos ng bilyon-bilyong dolyar para maghanap ng buhay sa ibang planeta dahil posibleng naghahanap ng habitable planet for future purposes o kaya ay ineexplore nila kung may buhay man doon inaalam nila kung anong klaseng nilalang meron doon at anong klaseng teknolohiya ang ginagamit ng mga extraterrestrial life kung meron man. Kahit ako kung may sapat na gamit lang iexplore ko rin ang universe.
Sa tingin ko hindi na maaayos ang earth kasi mismo ang sangkatauhan ang sumisira nito ni simpleng pagtigil nga sa bisyo na yosi di magawa eh yung pag-aayos pa kaya kay mother earth? Nasisira ang earth ng dahil sa chemicals at teknolohiya na ginagamit ng tao araw-araw kaya imposible talaga maliban nalang kung lahat ng tao ay magkaisa kontra chemical at teknolohiya pero parang malabong mangyayari yan.