3rd year High School ako nung nabuo ang Bitcoin ni Satoshi Nakamoto. Ang sarap siguro balikan na nung addict pa ko sa Dota, nalaman ko na ito. Trip trip lang na bumili ko nito sa halagang 0.0001 USD. Ang sarap siguro. Yung baon ko noon inubos ko dito. Ako na siguro pinakamayaman sa Pilipinas. Wala lang gusto ko lang mangarap.
Kayo ano pinapangarap nyo na sana noon palang alam mo na to?

Kung ako ay babalik sa panahong 2009 sana nalaman ko na kung paano ko madadala sa ibang bansa ang aking anak para makasama ko siya at hindi na mangyari sa kanya na mapabayaan ng kanyang ama. Na sana nalaman ko kung paano umiwas sa mga bagay na makakasama sa akin lalo na ang pagbabarkada.