3rd year High School ako nung nabuo ang Bitcoin ni Satoshi Nakamoto. Ang sarap siguro balikan na nung addict pa ko sa Dota, nalaman ko na ito. Trip trip lang na bumili ko nito sa halagang 0.0001 USD. Ang sarap siguro. Yung baon ko noon inubos ko dito. Ako na siguro pinakamayaman sa Pilipinas. Wala lang gusto ko lang mangarap.
Kayo ano pinapangarap nyo na sana noon palang alam mo na to?

Kung sana noon ko palang nalaman ang bitcoin way back 2009 at nag-invest ako siguro isa na rin ako sa mayaman ngayon. Kagaya mo sir adik din ako sa computer games online games kadalasan. Kung yung pinanglaro ko ay binili ko nang bitcoin noon napakalaki na siguro ngayon at maganda na ang buhay. Minsan din kasi kahit may oportunidad na ewan ko ba bakit parang di agad ako nagkainteres or wala lang talaga akong ideya nung nag-umpisa pa lang ang bitcoin. Pinapangarap ko din yang ganyan na kung may pagkakataon ulit sana malaman ko o maigrab agad agad.