Anong mga store ang pwede ipambayad ang Btc?
Wala pa akong alam na store na tumatanggap ng bitcoin dito sa Pilipinas. Pero si coins.ph naman may mga partners na company para direct mo ng mabayaran yung gusto mo mabayaran. Pero kung physical items ang hinahanap mo, wala pa talaga akong idea kung ano sa bansa natin.
oo brad nandun sa coins.ph yung mga list ng mga company na pwedeng magbayad through bitcoins , ang alam ko lang dun meralco e tsaka yung mga universities na tumatanggap ng bitcoin pambayad siguro sa tuition yun . soon dadami pa siguro yan since lumalawak ang sakop ng pagbibitcoins e .
Oo nga may mga Universities din doon. At ang ginagawa ko gamit ang coins.ph, dun ako nagbabayad ng bill ko, yung internet bills kaya less hassle na din at laging on time ako nakakapag bayad. Panigurado yan magboboom si coins.ph at madaming mag te-team up sa kanya na iba pang companies soon.