Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Anong Trabaho mo ngayon? Related ba sa course niyo?
by
reych
on 11/07/2017, 08:36:21 UTC
Undergrad ako ng BS Nursing, mag 4th ako nung nahinto since di na kayang tustusan ng pamilya ko ang pag aaral. Simula nun nagsikap akong maghanap ng trabaho. Buti nalang nun at nagsulputan ang mga call centers at kahit papano nakakuha ako ng magandang trabaho. Sa ngayon, ang trabahong ito ang bumubuhay sa pamilya ko. Gustuhin ko mang tapusin ang pag aaral ko, hindi ko pa magawa ngayon dahil pinauna ko muna mga kapatid ko. Pero sana pag dating ng araw makamit ko din ang diploma ko.