mga kasama gusto ko sana i exchange ang 500php payapl ko sa bitcoin. meron ba dito want ng paypal funds? napanalunan ko lang kase eto sa toluna. at di ko alam kung paano i transfrer ang paypal money papunta sa coins wallet
May mga online exchange sites po sir na pwede mo iyan ipalit o ipambili ng bitcoins. Ang ilan po sa mga exchange sites na yan ay iyong Cryptonit, Virwox, AvaTrade, at Plus500. Lahat po yan trusted dahil iyong iba po diyan nag-o-operate pa since 2006 at 2008, at maganda rin po ang review at feedback sa kanila. Pero ang problema nga lang po diyan ay may fees sila na medyo may kataasan, kaya halos kakainin po yung pera mo sa pagpapalit palang.
Pati nga rin pala sir, kung PHP po siya ay kailangan mo muna po siyang i-convert sa USD, Euro o CAD bago mo po siya i-exchange. Kahit po dito bihira po ang napalit ng PayPal na nasa currency po natin.