Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Saan kadalasan ginagastos o ginagasta ang kita sa bitcoin?
by
livingfree
on 29/07/2017, 14:56:32 UTC
Saan ninyo ginagastos ang kinikita niyo sa bitcoin at bakit bitcoin ang napili niyong pagkakitaan? Medyo laganap kasi ang bitcoin sa lugar namin at karamihan ginagastos nila sa pagsusugal halos lahat ng kita nila, ako kasi may plano ako matapos ko magipon ng malaking amount ng bitcoin. Sa lahat ng nagbibitcoin dito sa lugar namin 67.7% ang gumagastos sa sugal or pinang iinvest then yung iba naman mga 16.5% ang ginagastos sa mga online gaming at 15.8% lang ang nagiipon para sa kani-kanilang plano o balak.

Hindi ko pa ginagastos ang kinikita ko dito sa pag bibitcoin. Iniipon ko lang ng hihintay ako na sa tingin ko malaki na ang palitan nang stocks tsaka ko na gagastosin.

Simula rin nung kumita ako dito sa bitcoin, hindi ko pa ito ginagastos. Iniipon at iniipon ko lang talaga for future purposes tsaka isa pa, malay natin pagdating ng araw mas mataas na ang value ng bitcoin diba? Alam rin naman nating hindi malabong mangyari yun lalo na't marami nang nakakakilala at investors dito sa bitcoin. Sa ngayon ipon ipon lang muna talaga, para kapag malaki na ang palitan malaki narin ang ating aanihin.