Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Palagi Ka bang Biktima ng Scams?
by
livingfree
on 29/07/2017, 15:23:14 UTC
Sa aking paniwala parang walang tao na nasa online investing ang di pa nakaranas ma-scam. Just last month, nawala ang FissionCoin kung saan nakalagak ako ng P500 hehehe buti na lang P500 lang at di ko tinodo...kamalasmalasan kung saan pahinto na sya dun pa ako nag-upgrade...di ako nakinig sa hunch ko kaya ayun.

Pagkatapos naghinto din ang ISaveLives.Club isang trading site na minamando ng isang Pinoy na tulad natin...nawalan ako dito ng mga P1K lang naman...pero sayang din yun pera na yun di ba? Kaya ako di na masyado niwala sa mga Pinoy admins 99% ng mga Pinoy programs di maka-arangkada at yung 1% hahanapin pa natin.

Marami rin nabiktima ni LaraWith.Me buti na lang di ako sumali dito kc ang kutob ko di talaga tatagal si Lara ng higit pa sa tatlong buwan at ayun lumayas na ang si Lara.

Saan ka nabiktima lately? 
Wala pa akong karanasan sa scam na yan dahil maingat ako sa kung may makakatransact man akong tao na hindi ko kakilala. Dagdag na rito ang mga naka post sa social media na mga nakaranas ng scam na ito. Kaya nagiging aral na ito saakin.

Tama ka dyan, kailangan talaga maging maingat tayo lalo na't nagkalat at dumarami ng dumarami ang mga manloloko ngayon o ang mga scammers. Hindi ko parin naman nasubukan maiscam dahil bago ko pasukin ang isang bagay, nagreresearch muna ako at nagtatanong tanong kung legit nga ba talaga ito o hindi. Kaya sa panahon ngayon, wag tayo agad agad magtitiwala sa kahit kanino kasi minsan kahit kilala mo na ay pwede ka parin nitong lokohin. Mag-ingat tayo lagi, wag magpapadala sa mga flowery words. Magresearch muna bago pasukin ang isang bagay dahil mahirap malagay sa alanganin, mahirap madapa.