Post
Topic
Board Pilipinas
Re: BTC-e already closed?
by
merchantofzeny
on 29/07/2017, 16:18:14 UTC
Actually ngayon ko nga lang din narinig yang BTC-e na yan, dito sa post mo.

Kaya dobleng ingat na talaga, hindi lang btc-e ang may kakayahan na mangscam, lahat ng exchange basta centralized hindi mo pwede 100% na mapagkatiwalaan, sabi nga if you dont hold your privatw keys you dont onw that bitcoin

What do you think about Poloniex? Ang hirap naman kasi na everytime na kikita ka sa trade eh ilalabas mo dun sa exchange kasi alam ko may fee. (Never tried taking money out of Polo yet pero parang wala nung nagsend ako from coins.ph.)

Ano masasabi nyo about sa nangyare kay BTC-e? Connected daw sila sa Mt.gox na pinakamalaking fraud na alam ko na nangyari sa cryptocurrency world.

Oo nga, sir. Base sa nabasa ko nakatanggap daw si Alexander Vinnik ng parte mula sa nakulimbat sa Mt. Gox noon, at para hindi daw mahalata o matrace ang mga nanakaw nilang bitcoins ay pinapadaan daw nila ito sa mga exchanges kabilang na dito iyong mismong pinapatakbo ni Vinnik na BTC-e. Ang hindi ko lang po inasahan sa nabasa ko ay ito palang si Vinnik ay siya din ang may-ari ng Tradehill, na may issue na din po noon. Parang lumabas tuloy na front lang nila si Jered Kenna at si Vinnik talaga ang may-ari ng Tradehill, na pumapangalawa sa Mt. Gox pagdating sa itinuturing na pinakamalaking Bitcoin exchange site noon.

Isa pa sa napapaisip po ako ay kung paanong nakapag-operate ang BTC-e kung hindi pala sila nagpapatupad ng KYC/AML system simula pa ng itinatag ito noong 2011? Halata tuloy na may tinatago sila, di tulad ng ibang exchanges, halimbawa, Coinbase, Bitstamp, Cryptonit, Kraken, etc., na mahigpit na nagpapatupad nito. Kung pamilyar ka sa Cryptsy, sir, parang ganun ang kinahantungan ng BTC-e ngayon.


May KYC/AML policy ba yung Coinbase? Nakagawa ako ng wallet dun na parang wala namang mga hiningi sa akin. Same with Poloniex.