mga sir may tanong lang ako, ngayon ko lang napansin yung value ng buy and sell sa coins.ph
1. Buy (convert php to btc) = 143,009 for 1BTC
2. Sell (convert btc to php) = 1BTC for 133,175
so ganyan kalaki ang difference ng buy and sell? hindi ba parang napaka laking lugi naman sa part ng mga nag cconvert? halos 10k ang difference. please correct me if I'm wrong kung ganito ang takbo ng simple trading sa coins.ph. salamat!
yes, tama ka jan.. kaya kailangan mo ng timing kung kelan ka bibili at kelan ka mg bebenta. kung sa coins mo lang gagawin ito. pero my options ka nmn eh. madaming exchanges BTC/USD nga lang ang palitan..
salamat sa mga sumagot. so hindi naman lagi ganun ang rate ng buy and sell diba? may time din gaganda ang rate or parang standard na nila yan? parang sa mga money exchange, laging mas malaki ang sell kesa buy