Pede po ba magpakaso sa nbi at magreport ? May nangscam kasi sakin 3,100 psos nkuha sakin madami din siyang na scam pa na iba.Tanong ko is pagka ba pinakulong namin ay mababalik pera namin?
Hindi po masyadong detalyado yung binigay mong impormasyon. Saan ka po ba na-scam sa online o mismong sa personal transaction? Kung na-scam ka online, may mga outlet na pwede kang pagsumbungan pero dapat may sapat na ebidensya ka po na maiprepresenta. Kapag dito sa local o tiga-dito sa Pinas, halimbawa, ang nang-scam sa'yo online ay pwede kang dumulog po sa Philippine National Police - Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at mag-file ka po ng complaint sa kanila. Pagka-hindi tiga-dito sa atin, o sabihin natin tiga-ibang bansa yung nang-scam sa'yo, punta ka lang sa econsumer.gov at fill in mo lang yung kailangan nila sa form. Para magawa nilang pag-aralan kung valid nga yung report mo o hindi, o kung valid na kasuhan yung gumawa sa'yo noon o hindi.
Kung in case naman na kakilala mo ng personal yung nang-scam sa'yo at magkalapit lang kayo ng tinitirahan, pwede niyo na po yan i-settle sa Barangay at ipasauli niyo nalang yung pera na kinuha sa inyo. Medyo mas malaki po kasi ang gagastusin niyo kung dudulog pa kayo sa korte o sabihin natin ay maghahain pa kayo ng kaso. Sa pagkuha palang po kasi ng abogado, kulang pang pambayad yang 3,100 pesos mo po. At kung ilang hearing pa yung gagawin o dadaluhan niyo, tiyak baka mas mamobrelama pa po kayo sa dami ng kailangan niyong bayaran.