Sa totoo lang mahirap maconvince ung wala tlagang hilig or di alam ung bitcoin. Khit sbihin mong kumikita ka ng 5k sa isang buwan using bitcoin di p rin cla magiging interesado. Ako nga post ng post sa fb ko about sa mga kinikita ko per.month pero ni isa walang nag pm sken kung anu ung gnagawa ko.
Bale ibig sabihin ang mga nasa forum na ito ang mga "early adopters" pa sa Pinas.
May study akong nabasa 2 months ago na ang survey sa US and Japan nasa around 2-3% pa lang ang involved sa cryptocurrency & blockchain.
Ako narinig ko ang bitcoin & blockchain last April 2016. Ang plan ko nun ay bumili ng 1 bitcoin. Sa kasamaang palad hindi ako nakabili, 3x ako nag try i-link si BPI sa coins.ph, di nangyari na maka transfer ako ng pera, kaya tumigil na ako. P16,000 ang price ng bitcoin nun.
This May 2017, naisipan ko magbasa uli ng news about bitcoin, nagulat na lang ako at nasa 130,000 na price ng BTC.

Di ko na tinigilan at lahat ng pwede ko gawin to get into crypto ginawa ko.

Involved na ako heavily sa trading, mining, ICO's, airdrops, campaigns, etc.
May
cryptosis na nga ako. hehehe
