Sa aking paniwala parang walang tao na nasa online investing ang di pa nakaranas ma-scam. Just last month, nawala ang FissionCoin kung saan nakalagak ako ng P500 hehehe buti na lang P500 lang at di ko tinodo...kamalasmalasan kung saan pahinto na sya dun pa ako nag-upgrade...di ako nakinig sa hunch ko kaya ayun.
Pagkatapos naghinto din ang ISaveLives.Club isang trading site na minamando ng isang Pinoy na tulad natin...nawalan ako dito ng mga P1K lang naman...pero sayang din yun pera na yun di ba? Kaya ako di na masyado niwala sa mga Pinoy admins 99% ng mga Pinoy programs di maka-arangkada at yung 1% hahanapin pa natin.
Marami rin nabiktima ni LaraWith.Me buti na lang di ako sumali dito kc ang kutob ko di talaga tatagal si Lara ng higit pa sa tatlong buwan at ayun lumayas na ang si Lara.
Saan ka nabiktima lately?
Noong bago ako nabiktima na ako ng scam, pero maliit na amount lang naman. So, natuto na ako, nag hihintay muna ako ng feedbacks about dun sa site bago ako mag invest. Okay lang naman maexperience yan basta matututo ka. Marami na rin kasing scam sites ngayon. Basta alam mo na kahinahinala yung website, e magduda ka na.