Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [helping thread]Tanong mo sagot ko
by
Rye yan
on 04/08/2017, 14:27:06 UTC
Hi mga kuys, tanong ko lang kung pwede ba mag post dito ng tutorial ng mga AutoPilot para sa mga faucets. TIA

Pwede naman sir basta wala pong kasamang affiliate links yung mga faucets na ilalagay mo doon sa tutorial mo na autopilot, dahil bawal pong magpost ng may referrals dito sa forum.


Guys mukhang nascam ako sa bitcoin generator hmf. Ano po bang thread dito regarding sa mga scam para lalong makapag-ingat? I lost 0.03 btc huhu...

Alam mo sir kahit anong gamitin mo po na bitcoin generator ay wala ka po diyang makikita na legit or working dahil wala pong ganyang klase ng software or application na pwedeng makapaggenerate ng bitcoins except mga miners lang po talaga. Yung mga nakikita mo sa YouTube na mga freeware na nagsasabi na pwede kang makapaggenerate ng bitcoins gamit yung tools nila, etc., ay peke po yun. Imbes na makakakuha ka po ng bitcoins, kapag ininput muna ang BTC address mo at iba mo pang impormasyon, katulad halimbawa ng email at password mo, ay tiyak na ikaw pa po ang mawawalan pa ng bitcoins. At pati paniguradong makocompromise din po ang iba mo pang account online, dahil kalimitan po sa ganyan ay malware o virus na pwedeng kumuha ng impormasyon mo mula sa 'yong gamit na computer o mobile.
Guys mukhang nascam ako sa bitcoin generator hmf. Ano po bang thread dito regarding sa mga scam para lalong makapag-ingat? I lost 0.03 btc huhu...
Wag po kasi sana basta basta maniniwala sa mga pangakong too good to be true. Hindi ko alam yang site o app na yan pero masesense mo na scam ang isang site kapag ang sinasabing balik sa'yo ay malaki, kasi next to imposible yan.
Tama, huwag po tayong maniniwala basta basta dahil maari pong scam ang site na yan. Dapat na lang na maging aware tayo at umiwas sa mga ganito. Huwag maniwala sa investment na malaki ang balik sayo, iwasan mo din ang mga ponzi at onpal na yan dahil sa una ka lng makakakuha ng profit. Mas maganda nang pinaghihirapan mo ang pera mo para assure na makukuha ang inenvest mo.
iba na talaga yung panahon ngayon. sa kahit anong lugar maski internet inaabot ng magnanakaw. ingat ingat nalang para hindi na ulit makuhaan ng pera ng ibang tao na hindi marunong magbanat ng buto.

Salamat po ng marami sa inyong lahat. Napakalaking tulong talaga ng forum na ito lalo na sa mga baguhan sa bitcoin kagaya ko. Pramis hindi na ito mauulit. Lesson learned "doble ingat, huwag magtiwala basta basta lalo na hindi kakilala, at maggain ng knowledge para hindi madaya"