totoo ba ang tbc or the billion coin ksi napa ka taas ng value hindi bumababa ang value niya
fake coin ba siya???
Isa yan sa mga fake coins na dapat mong iwasan, sir. Kung narinig muna po ang tungkol sa OneCoin at MScoin, ang TBC ay maituturing din po yan na katulad nila - scam coin. Imagine sinasabi nila na ang price nito sa ngayon ay nasa 43.15536327 BTC, e ni wala man lang po ito sa mga kilalang exchanges at ni wala man lang pong market na sumusuporta sa kanya. Kahit yung dapat na makikita natin na fluctuation sa tunay na cryptocurrency at hindi makikita sa TBC, puro pagtaas lang ang nangyayari, na hindi po posible unless hindi siya crypto.