sa mga tatay dyan na medyo nagiging busy sa pagbibitcoin either trading, gambling or forum post paano nyo pa naasikaso ung mga anak nyo at ang asawa nyo? totoo din bang nararanasan nyo na nuubusan na kayo ng oras dahil sa trabaho at pag aabang ng alt na tatas ang presyo?
So far okay naman, nakakaya naman. Hindi naman naaapektuhan ng bitcoin ang pagiging tatay ko dahil may bitcoin man o wala, kung paano ako sakanila noon ay ganun na ganun parin ako sakanila hanggang ngayon. Tsaka isa pa, nasa sayo naman yan kung paano mo ihahandle ang sitwasyon mo. Kailangan mo lang talaga ng time management para kahit nagbibitcoin ka't kumikita na nang malaki ay hindi mo parin napapabayaan ang pamilya mo. Kahit malaki ang kita mo kung malayo naman ang loob sayo ng pamilya mo, anong magagawa ng kita mo sayo? Balanse lang dapat at syempre unahin parin kung anong mas importante.