Naniniwala kaba na plano ni God na mailoklok si pres Duterte at si american press Donald Trump?
Opo. Naniniwala po ako. Dahil lahat ng nangyayari ay ayon sa plano ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. Maliit man o malaking bagay. Napapansin man natin o hindi. Kalooban yan ng Diyos. Pero dahil tao tayo at Diyos sya, maaaring may mga bagay tayong hindi naiintindihan sa lahat ng ginawa Nya. Dahil sabi nga Niya na ang pag-iisip Nya ay mas mataas sa pag-iisip natin. Kaya madalas may mga bagay tayo na hindi naiintindihan, maaaring maraming katanungan. Pero ang tanging kailangan lang nating gawin ay magtiwala sa ating Diyos. Na alam Nya at kontrolado Nya ang lahat ng bagay. At sa pagtitiwala at paniniwala natin sa Kanya, kailangan rin nating maging masunurin sa lahat ng nais Nya. Sikapin natin na gawin ang lahat ng gagawin natin para maitaas ang Kanyang pangalan at hindi ang sarili natin. Nawa'y lahat ng gagawin natin ay sa ikatutuwa ng ating dakilang Diyos.