Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Let's talk about Alt Coins
by
Blake_Last
on 29/08/2017, 13:48:59 UTC
mga paps. pano ba malalaman na magiging successful yung bagong alt coin? balak ko kasi maginvest sa mga ganun pag nagkaron na ko ng sig campaign.

Ang isa sa indicator na magiging successful ang isang altcoin ay kapag naabot o nalagpasan nila ang kanilang target goal sa kanilang crowdsale o sa kanilang ICO. Isa kasi sa magiging resulta nito ay magagawa nilang mapagtuunan ng nararapat na atensyon, development at siyempre budget ang kanilang project.

Ang kasunod na dapat mo ring tignan ay yung mga nasa likod nito. Kung nakita mo na yung advisers o yung mismong bumubuo sa team nila ay yung mga kilala o respetado sa mundo ng cryptocurrency o Blockchain technology ay nakakatiyak ka na na magiging success ang ICO na yun. Kung, halimbawa, kabilang si Vitalik Buterin sa adviser noong ICO ay malaking puntos yun na masasabi na magiging malaking tagumpay yung coin na yun na ilulunsad.

At siyempre, panghuli, yung presentation ng coin. Ano ba yung tungkol sa kanila? Ano ba yung prinopromote nila? Ano ba ang magiging kontribusyon noon sa atin, halimbawa, at sa mismong digital currency adaptation, etc. Kung maganda ang projection nila at maganda ang inaalok noong platform, siguradong magiging successful yung kanilang coin.

Kung makita mo po ang mga indikasyon na yan, doon ka sa token o coin na yun mag-invest at tiyak malaki ang magiging balik sa'yong investment kapag ginawa mo po yun.