Alam naman nating ang Ingles ay official na lengwahe dito sa pilipinas, ang problema nga lang yung iba sa atin eh hirap mag english, alam naman natin yung iba sa atin eh hindi nakapag tapus nang pag-aaral, may solusyon ba kayo para matuto ng higit pa sa lenggwaheng Ingles?
Siguro mga nasa 4.5/10 rate yun magsasalita ako ng english tapus 6/10 naman kapag nagsusulat.
Dati nasa mga 3/10 - 5/10 ata? pero nung kakapanood kunang ng anime, movies at music videos eh natuto narin ako. :-D
Sa inyo kaya? share niyo naman. ;-D
Okay naman ang ingles ko, kapag napagiisipan at sa sulat lang kaya nakakapagpost naman ako ng ingles. Pero kapag hindi napagisipan mabuti laluna kung nagmamadali ay namamali ng grammar.