As ko lang po sana about sa verification ng coin.ph. About po dun sa kailangan ng valid id e wala po kong valid id na mailagay kailangan ko pa po bang kumuha? Salamat po
Hindi mo nabanggit sir kung estudyante ka o hindi, pero assuming na estudyante ka po, halimbawa, ang kailangan mo po diyan ay student ID + birth certificate at kailangan mo din pong magpadala sa kanila ng parental consent. Pero kung may passport ay pwede mo po yung gamitin kapalit ng student ID mo for verification. Ngayon kung hindi ka naman na po estudyante ay kuha ka lang po ng any valid IDs na tinatanggap ng Coins.ph, tulad ng NBI Clearance, Police Certificate, Voter's ID, Social Security System (SSS ID), o kaya kahit Postal ID. Hinohonor po yun ng Coins.ph.Ano yung bounty campaign pwede ba isabay sa ibang mga campaign yun like twitter campaign?
Yes, pwedeng isabay. Ganyan ang ginagawa po kadalasan ng mga members dito para dagdag kita rin maliban pa sa nakukuha nila sa signature at avatar campaign. Pero siguraduhin lang po dapat na wag kumuha ng sobrang dami o yun lang kaya ang gawin para magawa mo pong mapagtuunan lahat ng pansin.