Sa panahon ngayon, paghinga nalang yata natin ang walang tax. Sabi nga nila dalawang bagay lang daw ang may kasiguraduhan sa mundo, yun ay ang kamatayan at buwis.
Kayo ba? Payag ba kayong lagyan na nh income tax ang mga sumasali dito sa bitcoin?
Sir sa coins.ph palang kung gumagamit ka niyan bawat transaction mo may kaltas hindi pa ba tax na matatawag yun?
Wala naman akong nakikitang kaltas sa coins ph, pag nag withdraw nga duon kahit piso walang bawas. kaya pano mo nasabing may kaltas? nakapag withdraw kana ba duon? baka kaya mo sinabing may kaltas e bumili ka ng coin nila, malaki talaga ang kaltas kapag nag-convert ka sa bitcoin. halimbawa- may peso ka sa coins ph tapos nag convert ka ng bitcoin, makakaltasan ka kasi mas mahal kapag bibili ka ng bitcoin sakanila, sakto naman sa halaga kapag mag bebenta ka ng bitcoin sa kanila.